Posted by on September 19, 2008 at 6:07 am
Food Tagalog Recipe: Beef Patty
¾ kilo giniling na baka
1 itlog, binati
2 hiwa ng hamon, tinadtad
½ tasa breadcrumbs
¼ tasa sibuyas na mura, tinadtad
¼ tasa parsley, tinadtad
¼ tasa keso, ginadgad
asin at paminta
1 lata condensed cream of mushroom soup
1/3 tasa tubig
Painitin ang oven sa 350F at pahiran ng mantika ang baking pan.
Paghaluin ang unang 7 sangkap. Timplahan ng asin at paminta.
Idagdag ang ¼ tasa mushroom soup. Haluing mabuti.
Ikorte ang patties at ilagay sa baking pan.
Idagdag ang tubig sa natirang soup at ibuhos sa ibabaw ng patties at ilagay sa oven.
Archived under Filipino Recipes Tagalog Version Pinoy Meat Recipes
Posted by on September 3, 2008 at 9:40 am
Food Recipe: Meat Loaf
¾ kilo giniling na baka
1 itlog
1 tasa gatas
1 ¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 tasa breadcrumbs
Ilagay sa 350 degrees ang init ng oven. Pahiran ng mantika ang baking dish.
Sa isang bandehado, paghaluin ang giniling na baka at itlog.
Idagdag ang gatas at haluing mabuti. Isama ang breadcrumbs, asin at paminta.
Ihulma na parang loaf bread at ilagy sa baking dish.
Lutuin ng 1 oras hanggang maluto ang karne.
Archived under Filipino Recipes Tagalog Version Pinoy Meat Recipes
Posted by on September 3, 2008 at 9:35 am
Tagalog Recipe: Porkchop in a Special Sauce
6 piraso bacon, hiniwa
6 piraso porkchop
2/3 tasa tubig
1/3 tasa white wine
1 tasa button mushrooms
5 maliit na sibuyas, inapat
1 piraso chicken bouillon cube
¼ kutsarita nutmeg (optional)
2 pula ng itlog, binati
2 kutsara katas ng kalamansi
1 kutsara mantikilya
asin at paminta
keso, ginadgad
Prituhin ang bacon, tadtarin at itabi.
Sa parehong mantika, prituhin ang porkchop hanggang mamula.
Ibuhos ang tubig, white wine, mushroom, sinuyas, chicken buillon at nutmeg.
Hayaang lumambot ang karne.
Hanguin ang porkchop at ilagay sa iasng bandehado.
Sa pinaglutuang sabaw, idagdag ang pula ng itlog, katas ng kalamansi at mantikilya. Timplahan ayon sa panlasa.
Palaputin ang sabaw at ibuhos sa ibabaw ng porkchop.
Budburan ng bacon at keso sa ibabaw.
Archived under Filipino Recipes Tagalog Version Pinoy Meat Recipes
Posted by on August 7, 2008 at 6:47 pm
Tagalog Recipe: Pork Barbecue
4 kutsara katas ng kalamansi o lemon
6 bawang, tinadtad
½ tasa peanut butter
6 kutsara toyo
2 kutsarita asin
6 kutsara pulang asukal
2 kutsarita asin
6 kutsara pulang asukal
½ kilo karne ng baboy, hiniwang 2” ang laki
Pagsamahin ang unang anim na sangkap sa isang kaserola at isalang sa mahinang apoy ng 5 minuto.
Halu-haluin at alisin apoy.
Idagdag ang karne at ibabad ng magdamag sa ref.
Ituhog sa barbecue stick at ihurno sa oven sa init na 400F hanggang maluto.
Pahiran ng pinagbabaran para hindi matuyo.
Archived under Filipino Recipes Tagalog Version Pinoy Meat Recipes